Kung maaari lamang pitasin
ang mga kulay rosas na ulap
upang mailatag
sa mga mailap mong palad,
muling bubuhayin unti-unti
damdaming minsa’y pinagkatiwala
sa aruga ng rumaragasang hangin,
hanggang umapaw sa dalampasigan
at nag-aantay na labi
mga kundimang nilihim.
###